WALA sa hinagap ko ang magsulat hinggil sa mga dramang sumasalikup sa mapagkunwaring entablado ng showbiz.
Na-obliga lamang akong sumulat, sapagkat halatadong ginagamit lamang na isyu itong di-umano “child abuse” sa isang batang nagnga-ngalang JAN-JAN SUAN na nag-macho dance sa programang ‘Willing Willie’ over Channel 5 noong March 12, 2011 episode.
Ang anumang anyo ng paglabag sa batas, lalo na ang “child abuse” na isang mabigat na kaso ay hindi mapapatunayan sa pamamagitan ng makabag-bag damdamin na opinyon publiko. Ito ay hinu-husgahan ng korte!
Pero wala pa man sa hurisdiksyon ng anumang Korte, meron nang konklusyon at maigting na kondemnasyon ang mga nag-aakusa.
Moral na obligasyon at legal na responsabilidad ng lahat na pangangalagaan ang dangal at kinabukasan ng mga kabataan. Sabi nga ni Doktor Jose P. Rizal, “ang kabataan ay pag-asa ng bayan!”
Subalit, ang obligasyon at responsabilidad na ito ay HINDI DAPAT SELECTIVE. Dapat hindi ito naka-angkla sa mapanirang hidwaan ng mga TV networks na nag-aagawan sa atensyon ng television viewers and advertisers.
Higit sa lahat, ang pagsulong ng kawsa upang pangalagaan ang kapakanan ng mga kabataan ay hindi nakabatay sa opinyon ng mga “Ponso Pilato” na magaling lamang maghugas ng kanilang mga kamay sa publiko (para lumabas na mga champeons) pero mga kasapakat pala ng mapanlinlang at teroristang mga grupo.
Malinaw na binanggit ni UN Special Rapporteur for Children in Armed Conflict (CIAC), Ms. Radhika Coomaraswamy na ang “NPA rebels are constant violators of children’s rights.”
TANONG: pinakialaman ba ng mga concerns sa “kapakanan” ni Jan-jan Suan ang mga kaso na ito? Nakaka-binging katahimikan ang kanilang aksyon. Bakit? Bakit?
Noong Oktubre 2010, si Col Antonio Parlade pa noon ang Philippine Army spokesman, kanilang inihayag na mula 1999 hanggang 2010, ang komunistang NPA ay pwersahang nakapag-recruit ng 340 na mga menor-de-edad. Sa kabuuang bilang, 209 ang nag-surender, 119 ang nahuli, at 12 ang namatay sa engkwentro sa mga sundalo ng Pamahalaan.
Ang pag-rekruta ng mga kabataan –menor-de-edad man o mga estudyante, ay bahagi ng protracted people’s war o pangmatagalang digmaan bayan na estratehiya ng maoistang CPP-NPA-NDF. Bahagi ito ng pagsabotahe ng ekonomiya ng ating bansa upang lalong lumaganap ang kahirapan!
Nilalasing ng mga komunistang-terorista ang mga kabataan-estudyante sa baluktot na pamamaraan ng pagbabago –yan ang pagtahak sa armadong digmaan o rebolusyon. Ang mga kabataan na “sana’y pag-asa ng ating kinabukasan” ay hindi na makapag-atupag ng pag-aaral o anumang produktibong gawain dahil nalulong na sa mga rally at demonstrasyon hanggang tahasang umaanib sa teroristang NPA.
Balikan ko ngayon ang katanungan: bakit ang reyalidad na ito ay hindi kinokondena ng “kuno mga champeons sa kawsa ng kabataan”? Dahil ba hindi nakikita sa telebisyon kung papaano nililinlang ng mga komunistang-terorista ang mga biktima?
Para mapangalagaan ang mga kabataan, at ang marami pang mga Jan-jan Suan, kinakailangang magkaisa tayo laban sa terorismo. Isabuhay natin ang tunay na diwa ng isang progresibo, responsable at organisadong demokrasya!
--o0o—
Subaybayan: tuwing araw ng Lunes at Martes, alas-5 hanggang alas-6 ng hapon ang programang “LIBERTAS: Kalayaan at Batas” sa dwDD-Defense Radio 1134kHz AM
web: www.afpradio.ph url: www.kadreporras.blogspot.com email: kadre_porras@yahoo.com
--o0o--
4.17.2011
“WILLING WILLIE”: biktima ng paghihiganti at mapanlinlang na propaganda?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment