4.29.2009

MARAMING SALAMAT: tuloy ang laban para pagtibayan ang demokrasya!

Exaggerated namang sasabihin kung hanggang ngayon nagbabaga ang mga linya ng telepono sa ANAD Partylist headquarters at mga cellphones sa mga tawag at text ng mga nagpapaabot ng CONGRATULATIONS! Pero ito ang sitwasyon dito. Napakaraming natutuwa. Napakaraming nagpaparating ng suporta. At higit sa lahat napakarami ang nagdarasal na lalo pang umunlad ang kilusang pinamumunuan ng Alliance for Nationalism & Democracy (ANAD)na kinatawanan ni Congressman Jun Alcover sa Kongreso.

Sa inyong lahat, tauspuso kaming nagpapasalamat.

TULOY ANG LABAN! MABUHAY ANG DEMOKRASYA!

LAHAT NA USAPIN GAGAMITIN PARA MADAYA ANG MAMAMAYAN


Ano kaya ang mga pagbabagong mangyayari sa Kongreso ngayong nadagdagan na ang mga Partylist representatives?

Kung pakikinggan ang barkadahan ng mga maoistang komunista sa Kongreso sa pangunguna ng Bayan Muna –ang karagdagang mga kinatawan sa Kongreso ay bahagi ng mga maniobra ng Malacanang para masigurado ang mga binabalak nitong adyenda.

Ibig sabihin ba nito, bahagi din ng mga plano ng Malacanang na dagdagan ang mga komunistang congressman dahil nadagdagan din naman ang Bayan Muna, Anakpawis at nakapasok ang Kabataan na hayag namang alam nating mga prente ito ng CPP-NPA-NDF?

Ang pag-protesta ngayon ng mga maoistang partylist (Bayan Muna, etc…) ay isang pagsamantala lamang sa mga ‘isyu’ laban kay Congressman Palparan (Bantay Partylist). Isa lamang itong pagpatindi ng mga usaping walang katibayan para maguyo ang opinion publiko pabor sa komunistang kilusan.

Malinaw din ito na palatandaan, na ang konsepto ng ‘demokrasyang binabandera’ ng mga komunista ay yaong ‘papabor’ lamang sa kanila at ang ilang personalidad o organisasyon na bumubulatlat ng mga katotohanang matagal-tagal ng tinatago ng mga komunista sa publiko –ay kanilang tutulan o dili kaya’y isailalim sa likidasyon ng NPA.

Pinatunayan na sa kasaysayan, hindi lang dito sa Pilipinas kungdi sa buong mundo na ang komunistang kilusan ay sadyang mapanlinlang at brutal sa kanilang kalaban.

Binabandera nila ang mga isyu ng human rights violations habang tinatago ang walang-patumanggang mga pagpatay ng NPA. Simula 1969 mahigit na sa 10,000 ‘mga kasama ang pinaslang ng kapwa mga kasama’ sa dahilan na ang mga biktima ay ‘suspek’ na ahente ng gobyerno. Subalit, sa dokumentong “Sobrang Kahibangan……” na pinalabas mismo ng Komiteng Tagapaganap ng Komite Sentral (KT-KS) ng CPP, inamin nila na “karamihan sa mga napaslang ay walang mga kasalanan……” Kaya tinawag ng KT-KS ang mga purging operations na sobrang kahibangan.

Marami pang mga sibilyan ang pinaslang ng CPP-NPA batay lamang sa walang kakwenta-kwentang mga kadahilanan. At sa mga ‘inosente’ ang tanging tugon ng CPP-NPA-NDF ay “SORRY NAPAGKAMALAN LAMANG SILA”.

Satur Ocampo, (et al): ITO BA ANG URI NG DEMOKRASYANG GUSTO NINYO IPATUPAD SA PILIPINAS? PAPATAYIN MUNA ANG SUSPEK BAGO IMBESTIGAHAN AT KUNG MAPATUNAYAN NA INOSENTE –“SORRY NA LANG PO”?

Ang pagdagdag ng mga partylist representatives sa kongreso ay malaking bagay para sa mga nagmamahal sa demokrasya.

Hintay lamang kayo ng tamang panahon! Hintayin ninyo na ang Alliance for Nationalism & Democracy (ANAD Partylist) na kinatawanan ni Congressman Jun Alcover ay maka-estabilisa na sa Kongreso. Hintayin ninyo na himayhimayin ni Cong. Alcover ang mga katotohanang pilit tinatago nitong mga komunista sa publiko.

Ang tanong: MANINDIGAN KAYA ANG MGA REGULAR MEMBERS NG CONGRESS –OPENLY KONTRA SA CPP-NPA-NDF AT MGA LEGAL FRONT NITO?

Anuman ang mangyari, ang mga tameme sa mga usapin kontra sa mga komunista ay dapat husgahan ng mamamayan. ORAS NA PARA MAGPAKITA TAYONG LAHAT NG TUNAY NA KULAY.

Sa PULAHAN ka ba o sa PUTI? Para ka ba sa madugong rebolusyon o sa makabuluhang kapayapaan na dudulot ng kaunlaran?

4.21.2009

WHO CONTROLS THE P1.6B FUND (and growing!) FROM CPP-NPA-NDF EXTORTIONS?



PROJECTED INCOME STATEMENT OF CPP-NPA-NDF
COVERING THE TWENTY-YEAR PERIOD 1987-2007 ONLY


A. REVENUES (1987 to 2007 covering a period of 20 years)

1.Earnings from international fund donors
@Php 260 million per annum x 20 years----------Php 5,200,000,000.00
2.Local income from extortions
Philippine operations x 20 years) ------------Php 2,020,000,000.00
2.1. kidnaping----------------------------------------15,000,000.00*
2.2. extortions (big establishments)---------------1,100,000,000.00
2.3. Extortions (small establishments)---------------110,000,000.00
2.4. Permits (To win / to campaign)------------------400,000,000.00
2.5. Labor Unions------------------------------------246,600,000.00
2.6. Local Governments-------------------------------140,000,000.00
2.7. Religious Organizations-----------------------------400,000.00
2.8. Priority Devt Assistance Projects-------------1,260,000,000.00**
2.9. Subsidiary Income (Drugs & Mining)----------------8,000,000.00

Total Income (Nos. 1 & 2) --– Php 7,220,000,000.00

*Does not include the reported Php250M share of Joma Sison from the Php 250M earned by the Red Scorpion Group (RSG)
**Not included as income but treated as largesse.

B. EXPENSES
1. Field Operation (inc. NPA stipends)-----------Php 453,828,000.00
2. Intelligence fund (RP & Utrecht)------------------508,800,000.00
3. Salaries/Allowance Central Committee------------1,100,000,000.00
4. Propaganda (rallies) and Media------------------1,000,000,000.00
5. Transportation, travel & representation-----------627,700,000.00
6. Capital outlay (supplies inc. firearms)-----------450,000,000.00
7. Communications-------------------------------------20,500,000.00
8. Training & Meetings--------------------------------50,000,000.00
9. Sundry expenses-----------------------------------250,000,000.00
10. Losses from pilferages (internal theft)---------1,100,000,000.00

Sub-Total of Expenses-- Php1,560,000,000.00

NET Income After Expenses Php 1,660,000,000.00
Pesos: One Billion Six Hundred Sixty Million & xx/100

Source: “ATROCITIES & LIES: The Untold Secrets of the Communist Party of the Phils."
Published by: NADFFI (www.nadffi.org.ph)

4.19.2009

CPP-NPA-NDF FORMULA TO ESTABLISH “PEOPLES’ DEMOCRATIC GOVT.”: Kill, kill and kill more while talking peace!



Bayan Muna Party-List Reps. Satur Ocampo and Teodoro Casiño have gone to great lengths to dismiss the military's claim of a continuing purge within the CPP. Ocampo calls the suggestion of the CPP purge a 'cruel lie' (at one point presenting a 1987 CPP Central Committee resolution to support his assertion) and considers the issue of communist purging as 'close book'. Casiño on the other hand, wholeheartedly believes in the goodwill and sense of justice of the New People's Army (NPA, for brevity) because when they kill people, he says, they publicly acknowledge it as part of their long-standing policy.

Points for reflections:

Teddy Casiño, in his Business World column had said:

"…….unfortunately, the CPP-NPA-NDF is not a state power, it has no regular courts, no jails, no lethal injection facility. Thus, the only way it can impose capital punishment is by gunning down those convicted by its' People's Court'."

Excerpts from the CPP 1992 document titled "General Review of Important Events and Decisions (1980-1991):

"The Ahos campaign was widespread anti-infiltration campaign, launched in July 1985. Hundreds and hundreds of cadres, fighters, activists and ordinary peasants were arrested, interrogated and punished without sufficient and strong basis... Torture was extensively used on the fallacious ground that the victims were enemy spies, in a situation that the suspects were guilty even if the suspicion usually stood on the flimsiest grounds... The Ahos campaign was spurred by panic from unproven apprehensions regarding an extensive and long-running infiltration by the enemy. Such apprehensions were buttressed when worries mounted over growing security problems and losses in the countrysides and cities, and at the same time, there had been previous warning from central leadership against a wide network of infiltration."

According to Gregorio “Ka Roger” Rosal, spokesman of the CPP:

“….these are all fabrications by the military…….”

But whatever denials CPP-NPA-NDF is waging, facts always suffice.

Excerpts from CPP Central Committee document published at CPP website, "Paglilinis ng Bushfire sa mga Nakapasok na mga Ahente ng Kaaway".

"Dapat nating ipagpatuloy ang mga taktikal na opensiba sa buong bansa . . . kasabay sa paglulunsad ng mga taktikal na opensiba dapat din ilunsad ang mga ispesyal na operasyon na tinatarget ang mga ahente ng kaaway na nakapasok sa ating hanay. Bigyan diin sa mga ispesyal na operasyong ito ang paglilinis ng Bushfire at iba pang ligal na organisasyon.

Ito ang pinakamainam na panahon para linisin ang Bushfire sa mga pinaghihinalaang mga ahente ng kaaway. Nilulunsad ng rehimeng Arroyo ang makahayop na operasyon para supilin ang mamamayan, ang mga partidong oposisyon, ang mga demokratikong organisasyong masa, ang midya at iba pa. Sa pagsabay ng ating ispesyal na operasyon dito, titingnan ng masa at mga alyado na ang mga berdugo ng kaaway ang may kagagawan sa mga pagpaslang at pananakot sa hanay ng mga ligal na organisasyon."

4.17.2009

DAMBUHALANG KITA MULA SA EXTORTION: Revolutionary Taxation


Ano ang “Rebolusyonaryong Pagbubuwis”?


Ang “rebolusyonaryong pagbubuwis” ay paraan ng CPP-NPA upang lumikom ng pondo. Ayon sa kanila ito daw ay para sa pagsulong ng armadong rebolusyon at pagtatanggol sa masa. Pero ang katotohanan ay simpleng pangingikil at pangongotong lamang ito. Pinagbubuwis ng CPP ang mga negosyante at kontratista batay sa kanilang nais at hindi sa kita o tubo ng negosyo. Maging ordinaryong magsasaka ay nagbibigay ng buwis sa pamamagitan ng pagpapakain, sigarilyo, damit, gamit, ng sasakyan o kasangkapan. Maski ang mga kumakandidato ay pinapatawan ng bayarin para sa “permit to campaign”.


Hindi ito maituturing na pagbubuwis. Ang buwis ay may katapat na serbisyo. Wala namang ibinibigay na serbisyo ang CPP-NPA. Pawang pananakot at actual na terorismo at pagsira ng ari-arian ang gawi ng CPP-NPA. Sa isang probinsya lamang sa Southern Tagalog, nakakakolekta ang CPP ng aabot sa 3 milyong piso kada buwan. Hindi napupunta ito sa gamot, edukasyon, o imprastraktura ng mamamayan o negosyante. Sa halip, ito’y napupunta at nagagasta para sa marangyang pamumuhay ng iilang kadreng opisyal ng CPP kasama ang mga turistang rebolusyonaryo sa Netherlands sa pamumuno ni Sison.


Ang pwersahang pangongotong ng CPP-NPA ay patunay ng kanilang teroristang katangian at kawalan ng suporta ng mamamayan. Sinusunog nila ang mga bus kapag hindi nagbigay o kulang ang “buwis”. Pinasasabog nila ang mga tore ng kuryente, komunikasyon at kasangkapan ng mga kumpanyang pumalya ng bayad sa buwis. Bale-wala sa kanila ang perwisyong dinudulot nila sa mamamayan. Ang mahalaga ay ang makapangikil sila.


Kinakaltasan ng CPP-NPA maski ang ordinaryong masa. Hindi rin nakakatakas dito ang mga oportunista at takot na local na opisyal. Dagdag pa rito, upang kanilang mapalaki ang kita nila, sila na rin ang nagpapaandar o nagbubuwis pati na sa mga iligal na negosyo tulad ng illegal logging, pgdodroga o drug trafficking, jueteng at pagtatanim ng marijuana. Dapat tuloy nating tanungin: “Bakit maagap at malupit ang CPP-NPA sa pagparusa sa mga di-nagpapakotong na mga ligal na negosyante? Bakit malambot ang puso nito sa mga pusher, drug lords, illegal loggers at gambling lords?

4.15.2009

MGA BATAYANG USAPIN NA DAPAT MALAMAN NG MAMAMAYAN: May kalayaan ba sa komunistang paghahari?


May kalayaan ba sa komunistang paghahari?

Makikita sa programa ng CPP-NPA ang layunin nitong itayo ang “Diktadura ng Proletaryado”. Sapagka’t ang CPP ay partido ng proletaryo, ibig sabihin nito, walang iba kundi ang diktadura ng CPP ang masusunod.
Ang isang idibidwal ay mabuting mamamayan kung sunod-sunuran siya sa mg utos ng CPP-NPA. Sa sandaling di na siya sumang-ayon sa utos ng partido, siya ay magiging “kaaway ng rebolusyon” o “kontra rebolusyon”. Madalas na walang batayan ang bansag na ito. Pawang si Sison at iilang lider ng CPP-NPA lamang ang nagpapasya kung ang isang idibidwal ay kaibigan o kaaway nila.

Mabigat ang parusa sa kaaway ng rebolusyon. Malimit na kapalit nito ang parusang kamatayan. Isang halimbawa ang Digos massacre sa Davao kung saan sa ilalim ng pamumuno ni Ka Benzar, pinagpapapatay ng NPA ang 40 bata’t matanda na kabilang sa anti-komunistang United Christian Church.

Pati ang mga kasama nila sa kilusan na umayaw na at tumututol sa CPP-NPA ay pinarurusahan din. Masasabing wala halos pinagkaiba sa sindikatong Mafia ang CPP-NPA. Hindi sila tumatanggap ng anumang batikos, lalong-lalo na kung galing ito sa mga dating lider o kasapi nila. Para sa pangkating Sison-Tiamzon-Ocampo, kanilang pinaniniwalaan na sila lang ang tanging tama, tanging tagapagtanggol ng masa at tanging bayani ng rebolusyon. Binabansagan nilang mga taksil, opotunista, ahente o alipures ng mga reaksyonaryo ang mga tumututol sa kanila. Ang pataksil na pagpatay sa mga dating kasama na humiwalay tulad nina Ka Hector Mabilangan, Father Balweg, Popoy Lagman at Rolly Kintanar ay ilang halimbawa ng karahasan ng CPP-NPA.

Walang human rights o karapatang pantao sa loob ng CPP-NPA. Sa mga akusado, hindi pantay ang paglilitis. Hindi malayang maipagtatanggol ng akusado ang sarili niya. Walang itinatakdang abogado para sa kanya at wala ring malinaw na proseso ng pagkakahati ng poder at trabaho ng paghuhukom. Sa ilalim ng “hukumang bayan” ng CPP-NPA, ang partido ang ‘complainant, judge, jury at excutioner’. Ang partido ang magrereklamo, ang partido ang maglilitis, at ang partido ang magpapatupad ng desisyon.

Maski sa loob ng partido, walang kalayaan ang mga kadre’t kasapi na hindi malapit kina Sison at Tiamzon. Lalo na matapos ibagsak ang diktadurang Marcos nuong 1980s, lumaganap and debate sa loob ng CPP at pagtuligsa sa liderato. Kasunod nito ay ang kampanya laban sa mga “Deep Penetration Agents” o DPAs daw sa loob ng CPP.

Maraming kadre’t kasapi ang tinortyor, ibinilanggo sa di makataong kondisyon. Sila’y walang pakundangang pinatay at binaon sa mga “mass graves”. Ayon kay Rodolfo Salas, dating puno ng CPP-NPA, mahigit sa 2,000 na mga kadre at kasapi ang pinatay ng CPP-NPA sa marahas nitong kampanya. Mahigit 500 ang binuwal sa Operation Missing Link (OPL) at Olympia sa Southern Tagalog at NCR; mahigit 1,000 sa kampanyang Ahos at Anaconda sa Mindanao. Sa librong “To suffer Thy Comrade” idinitalye ni Bobby Garcia ang kanyang pinagdaanang karahasan sa OPL.

MGA BATAYANG USAPIN NA DAPAT MALAMAN NG MAMAMAYAN: Ano ang NDF at papel ng mga 'legal organizations'?


Ang National Democratic Front (NDF)

Kung NPA ang instrumento ng dahas, ang National Democratic Front naman ang instrument ng CPP upang mapasok at mamanipula ang samahan ng mga sector. Itinatag ng CPP noong Nobyembre 1973 ang NDF na siyang nakatuon para akitin ang iba’t-ibang pwersang pulitikal, personahe, samahang sektoral, relihiyoso at propesyonal sa isang hanay, sa isang malawak na programa at sa ilalim ng pamumuno ng CPP.

Ang NDF , ayon sa plano ng CPP, ang magsisilbing binhi para sa pagtatayo ng pamahalaang koalisyon na hahalili sa demokratikong pamahalaan. Makikita ang control ng CPP sa NDF sa pamamagitan ng mga mayoryang samahang kabilang dito. Bukod sa CPP ay ang nilikha nitong samahan ng Kabataang Makabayan, Christians for National Liberation, at Malayang Kilusan ng Kababaihan (MAKIBAKA). May mga sangay ng CPP sa mga samahang ito na nagpapaandar ng buong organisasyon. Bukod pa, ang CPP lamang ang may sariling hukbo. Kayat walang ibang pwersa ang NDF kundi ang CPP-NPA lamang.

Gayunman, sa pamamagitan ng NDF, nagkakaroon ng malawak na lambat ng suportang pulitikal ang CPP at ang armadong paglaban ng NPA. Nakakapagtayo ito ng mga ligal at hayag na mga pampulitikang organisasyon ng iba’t-ibang uri at sektor at nakapaglunsad ito ng propaganda laban sa goberno at AFP na siyang nagpapahina rito.

Papel ng mga front organizations

Sa unang yugto pa lamang, nakapagpalakas na ang CPP-NPA mula sa mga narerekruta na mga aktibistang kabataan at istudyante mula sa KM, SDK, LAKASDIWA, NUSP, at CEGP. Ginagamit nila ang mga hayag at ligal na organisasyon at institusyon bilang daluyan ng propaganda na kontra sa gobyerno at umaayon sa armadong rebolusyon. Sa pananaw at propaganda ng NDF, walang ginagawa at magagawang mabuti ang gobyerno. Ito ay laging inutil, tiwali at bulok kaya’t dapat wasakin at ibagsak. Sa kabilang dako, ipinipinta ng CPP-NPA ang sarili nila bilang laging mabuti, busilak at bayani ng masa. Para sa kanila, dapat laging itaguyod, ipagtanggol at palawakin itong nakapanloloko nilang imahe.

Sa mga organisasyon ng NDF nagbuo ng Core Group (CG) o grupong ubod na pinamumunuan ng isang sangay ng Partido. Ang CG ang tunay na namumuno sa ‘front organization’ at hindi ang mga hayag na lider nito. Kadalasan, hindi alam ng mga ordinaryong kasapi ang CG. Tanging ang mga pinaka-aktibo o pinakamasugid sa mga pagkilos at programa ng CPP-NPA ang kinukuhang kasapi ng CG.

Ang mga organisasyong sektoral naman ay nasa ilalim ng mga asanihan ng Partido. Halimbawa, ang kawanihan ng manggagawa o kawanihan ng kabataang-istudyante. Ito ang bumubuo sa lihim na grupo at samahan na naglulunsad ng mga demonstrasyon at iba pang militanteng pagkilos.
Upang higit na lumawak ang pwersang napapakilos, ang CPP o ang mga hayag na organisasyon ay nagbubuo ng mga alyansa. Ito ay batay sa panandalian o isahang isyu lamang at sa ibang kaso naman ay pangmatagalan. Halimbawa nito ang mga alyansa laban sa pagtaas ng presyo ng langis o PPA. Nakikiisa sila sa iba’t-ibang institusyon, samahan, at kilusan, hanggang buong-buong lamunin ng CPP at ng mga alagad nitong samahan ang mga ito. Ganito ang nabunyag sa United Church for Christ of the Philippines kung saan ang grupo ng Partido at maka-kaliwa ang namimili kung sinu-sino ang mamumuno sa institusyon at anong patakaran at programa ang ipapatupad.
Ang mga front organizations ay madaling magkaisa at magsama-sama dahil sa CPP lamang ito kumukuha at tumatanggap ng gabay at tagubilin. Sila ang mga sumusunod: Kilusang Mayo Uno (KMU) para sa mga manggagawa; Kilusang Magbubukid sa Pilipinas (KMP) para sa mga magsasaka; League of Filipino Students (LFS) para sa mga mag-aaral na siyang may control ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) at College Editor’s Guild of the Philippines (CEGP). Kabataan para sa Pambansang Demokrasya (KPD) para sa mga kabataan sa komunidad; Gabriela para sa kababaihan; PAMALAKAYA para sa mga mangingisda; PISTON para sa mga drayber; COURAGE para sa mga kawani ng gobyerno.

Malaking tulong ang mga front organizations sa pagpapalakas ng CPP sa propaganda laban sa gobyerno. Lahat ng problema ng mamamayan at lahat ng negatibong nangyayari sa bansa ay lagging isinisisi sa gobyerno. Pinakikilos nila ang iba’t-ibang sektor na hilingin ang lahat sa pamahalaan. Sinusunggaban nila ang lahat ng pagkakataon sa midya para batikusin ang pangulo. Sa gayon, nais nilang mawalan ng tiwala, mapoot ang mamamayan sa demokratikong pamahalaan at mabigyan ng batayan para maibagsak ito.

Hindi lang salapi, tauhan, suportang materyal at pulitikal ang naaambag ng mga front organizations ng CPP sa armadong paglaban, naglulunsad din ito ng di-armado at pampulitikang atake laban sa AFP at PNP. Halimbawa nito’y ang grupong KARAPATAN na may sangay sa lahat ng rehiyon at nakatuon diumano sa pagtatanggol ng human rights. Dinudokumento daw nito ang mga human rights violations ng AFP at PNP ngunit kadalasa’y pinopropaganda lamang nila ito at binabaligtad ang katotohanan sa maka-NPA na paraan. Ang mga komunistang armado na napatay o nabihag sa mga enkwentro ay pinalilitaw nilang sibilyang magsasaka na minasaker daw ng mga sundalo o pulis ng gobyerno.

4.14.2009

MGA BATAYANG USAPIN NA DAPAT MALAMAN NG MAMAMAYAN: Ano ang New People's Army (NPA)?



Itinatag noong Marso 29, 1969 ang New People’s Army ng pangkat ni Bernabe Buscayno alyas Kumander Dante na humiwalay sa HMB o dating mga HUK. Sila’y sumanib sa CPP ni Sison.

Ang NPA ay ang pangunahing organisasyon ng CPP. Ito ang pangtapat sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Ang marahas na pag-agaw ng kapangyarihan ang saligang stratehiya ng CPP-NPA.

Tinitiyak ng CPP ang hawak nito sa NPA sa pamamagitan ng partido at komisyong military na nagpapasunod sa NPA sa anumang iutos ng CPP. Sa loob ng 40 na taon lumakas ang NPA at nakapwesto ito ngayon sa estratehikong mga lugar sa buong bansa. Pero kahit pa man, dumadanas ngayon ang organisasyon ng NPA ng maigting na bangayan o mga panloob na kontradiksyon dulot ng 'dambuhalang mga pagkakamali' --katulad ng walang habas na pamamaslang o purgings sa mga suspetsadong ahente ng gobyerno na nakapasok kuno sa hanay ng 'rebolusyonaryong' kilusan. Marami-rami na rin sa mga kadre ng kilusan ang namulat sa katotohanan, na ang kinagisnan nilang rebolusyonaryong organisasyon ay pangunahing destakamento na ngayon ng pangongotng o ekstorsyon.

Nilulunsad ng CPP-NPA ang estratehiyang kubkubin ang kalunsuran mula sa kanayunan sa pamamagitan ng matagalang digmaang bayan.

Ang mga gerilya ng NPA ay humahabilo at namumugad sa mga taong baryo na nagsisilbing panangga nila sa mga salakay ng AFP. Dinadamay nila ang mga bata upang humawak ng armas, maging kuryer o maniktik. Upang makalikom ng pondo, nagsasagaw sila ng krimen tulad ng Wakaoji kidnapping, hold-up sa mga banko at money changer, carnapping, pamemeke ng dolyar, iligal na logging, pagtatanim at pagtutulak ng marijuana na mula sa Mt. Province at iba pa. Inamin ito mismo ni Kintanar, ang dating hepe ng NPA na pinaslang din ng nasabing grupo nang kumalas na siya dito.

Totoo din na sinusuportahan ang NPA ng mga dayuhan. Nagpadala pa ang CPP ng delegasyon sa Tsina sa pamumuno nina Ibarra Tabionosa at Mario Miclat para ayusin ang padalang armas ng Tsina. Halimbawa nito’y ang MV Karagatan na nabisto at napigilan ng gubyerno nang ito’y dumaong sa Palawan, Isabela na karga ang mga armasnoong July 1972. Gayundin ang nangyari sa MV Dona Andrea II lumubog sa La Union noong 1974. Sa katunayan, maraming NPA ang ipinadala sa North Korea para magtreyning.

MGA BATAYANG USAPIN NA DAPAT MALAMAN NG MAMAMAYAN


Noong Disyembre 26, 1968, itinatag ng ilang aktibista sa pamumuno ni Jose Maria Sison, Alias Amado Guerrero at Armando Liwanag, ang Communist Party of the Philippines (CPP). Kinopya lamang nito ang mga istilo at programa ng komunistang rebolusyon sa Tsina ni Mao Ze Dong nuong 1930’s at 1940s. Iniidolo nito ang mga kaisipan at pagsusuri nina Karl Marx at Lenin na batay sa madugong paraan ng pag-agaw ng kapangyarihang estado.

Ang unang programa ng CPP ay ang pambansang demokratikong rebolusyon. Layunin nito ang pambansang pagpapalaya mula sa imperyalismo at piyudalismo. Ang ikalawang yugto naman ay ang paglalatag ng sosyalistang lipunan sa Pilipinas.
Tatlo ang sandata ng rebolusyon. Una, ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP o CPP). Ikalawa, ang Bagong Hukbong Bayan (BHB o NPA). At ikatlo ang Pambansang Demokratikong Prente o NDF. Ang Partido ang namumunong organo o utak ng rebolusyon. Ang NPA naman ang espada o kamay na bakal upang labanan at wasakin ang armadong lakas ng pamahalaan. Nagsisilbing kalasag ang NDF upang organisahin ang pinakamalawak na alyansa ng mamamayan para sa rebolusyon.

Panis na ang ideolohiyang komunismo at sosyalismo ng CPP-NPA. Malinaw ang aral sa mga karanasan ng nagdaang tatlong dekada. Masahol pa ito bilang solusyon sa sakit ng kahirapan at inhustisya na nais nitong lunasan. Sa halip na sagana, lalong pagkagutom at pagka-atrasado ang dinanas ng mga bayang napailalim sa komunistang estado. Nariyan ang mapait na kaso ng mga bayan sa dating Unyong Sobyet at Silangang Europa. Dito, laganap ang katiwalian, pagsupil sa karapatang pantao, mga panlilinlang, abuso at nepotismo.

Walang malusog na ekonomiya at pribadong negosyo ang umiral. Kontrolado ng partido komunista ang ekonomiya, media, kultura at pulitika. Marahas na sinusupil ang mga kritiko at kalayaang sibil ng mamamayan. Dalawang simbolo ang sumasagisag sa mapanupil, malupit at marahas na paghahari ng komunismo: ang Gulag archipelago sa Rusya at ang Cultural Revolution sa Tsina.

Kasunod ng People Power sa EDSA nuong 1986 ang paggiba sa paghahari ng komunismo sa Europa ng kanilang mga mamamayan. Ibinalik ang mas malayang lehislatura, eleksyon at mga demokratikong karapatan. Dahil dito, sumigla ang ekonomiya at nabuhay ang mga pribadong negosyo sa rehiyon.

Tanging ang Pilipinas at Nepal na lamang ang mga bayang may armadong komunistang rebelyon. Ang mga dating rebolusyonaryong kilusan ay namulat na sa mas mabisang paraan ng payapa at demokratikong paraan ng pagbabago.

Ligal na ang partido komunista sa Pilipinas dahil sa ‘repeal’ ng Anti-Subversion Law noong 1986. Ganunpaman, iginigiit pa rin ng CPP ang armado at marahas na paraan. Dahilan sa mga pagbabago sa pananaw at taktika, nagkawatak-watak ngayon ang kilusang komunista. Ang pinakamalakas at pinakamabangis sa lahat ay ang pakyon ni Sison, Rosal, mag-asawang Tiamzon at Satur Ocampo. Sila ang may control at naghahari sa New People’s Army at NDF.

Pumangalawa ang grupong RPP-ABB nina Nilo dela Cruz at Arturo Tabara na nakabase sa Negros at Panay. Nakipagkasundo sila sa gobyerno na “tugunan ang ugat ng kahirapan at rebelyon”.

Pumangatlo ang grupong Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na nasa Central Luzon, at mahigpit na karibal ng NPA sa rehiyon.

Pumang-apat ang grupong Sanlakas at BMP na nakabase sa National Capital Region. Ang pangkat na ito ay binuo ng pinaslang na si Ka Popoy Lagman na dating kasapi sa NCR CPP Regional Committee na buong-buong kumalas sa grupong Sison. Aktibo ito sa maraming hayag at legal na protesta at paglulunsad ng welga.

Ang panghuli ang AKBAYAN nina Eta Rosales, Walden Bello at Ric Reyes na tumatahak sa legal na pakikibaka.

4.04.2009

COMMUNISM NOW DOWN TO THE LOWEST IN THE PHILIPPINES

Despite the tremendous efforts of the Communist Party in the Philippines to destabilize the government, its popularity is at its lowest.

The Party is exerting all its best to mobilize its front organizations by using them in staging series of rallies against the government in order to create a scenario that will bring down the country’s economy to the lowest level. The Communists want to make it appear to their foreign and international supporters that they are on top of the whole situation so that more funds will be poured in to their armed struggle. But apparently, its efforts just proved to be futile with the negative results of their supposedly DAILY SHOW OF FORCE. As hard as they tried, turn out was just a mere handful of deceived people, oftentimes even less than 50 heads joined their programmed activities. This only proves to show that majority of the people are now tired of their propaganda and are prepared to just enjoy peace and harmony under a true democracy.
The masses have discovered that the communists are just using their so called “democracy” to destroy the genuine democracy. The people now are able to discern that what the communist insurgents are offering is just but a sham democracy.

The people have also known that these rascals are likewise using the church to attain their evil ultimate goal of destroying the government, a legitimate institution established by God. It was also unveiled to the public that the communists have even infiltrated the government one way or the other to destroy the government.

The people are now fed up with the "Wolves' in Sheep’s Clothing" who represent the opportunistic communist terrorists of the Communist Party of the Philippines and it's shield, the National Democratic Front. The people are witnessing the communists malicious intent, that of superficially support human rights but in reality they are maintaining an armed terrorist/cannibalistic component, the New Peoples Army (NPA) that is bent to sabotage, thievery and mass murder of all those that oppose the communist way of life. The groups that support them are their legal fronts: BAYAN MUNA, GABRIELA, ANAKPAWIS, KMU, ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS, ANAKBAYAN, MIGRANTE, COURAGE, KARAPATAN and other seemingly innocent advocacy groups that are undoubtedly secretly supporting the opportunistic communist terrorists of the New Peoples Army. The communists do not believe in parliamentary struggle. They believe that the only way for change is through a violent armed revolution to topple the democratic Republic of the Philippines, OUR PHILIPPINES, the only country God has given us.

At present, the people now are enjoying the real peace they longed for. The people are thankful of the government’s initiative to bring back peace and prosperity in the land. Though gradually this is being done, the signs of sustainability are ever present. The people are now proud of being a Filipino.

Only in this part of the world that a country has foreseen a forthcoming global crisis. A remarkable step was undertaken by the Filipino government. Ahead of others, the Philippines did an extra mile to strengthen our economy’s firmness before the world’s economy was shaken down.

THE END OF COMMUNISM IS ABOUT TO COME, IT IS INEVITABLE!

SO THE WORLD MAY KNOW!
(Mamamayang Ayaw sa Komunista - MAK)
video

ABANTE DEMOKRASYA