UMAAPELA ang
AFP/PNP sa mga kumakandidato ngayong 2016 National and Local Elections na huwag
tumalima sa “permit to campaign” at “permit to win” ng teroristang
CPP-NPA-NDF. Ayon kay AFP public affairs
office chief Col. Noel Detoyato ang mga kabayarang hinihingi ng mga
komunistang-rebelde ay tahasang extortion. Kaya siya nanawagan: “We are (encouraging) them to report it to the
Commission on Elections, to the police, to the nearest military (unit) so that
we can take proper action.” (www.facebook.com/dndtv)
Aminado ang otoridad na noong
nakaraang mga eleksyon daan-daang milyong halaga ang nalikum ng mga rebeldeng
komunista. Umaabot sa P500,000 ang
sinisingil sa isang kandidato o maaring tataas o bababa depende sa posisyon na
tinatakbuhan. Ang mga pondo na nalikum
ay siya namang ginagamit ng mga terorista sa ma-perwisyo at bayolenteng
pangangatake sa Gobyerno at mga namumuhunan.
Sa Eastern Mindanao nitong
nakaraang 2015, umabot sa “P246.12 million worth of equipment and products”
(Business Mirror, 12/31/2015) ang sinira ng mga komunistang rebelde. Batay sa report ng National Security Council
(NSC) 2% ng taunang Gross Domestic Product (GDP) ang nasasayang dahil sa
terorismo. Mula 1968 (taong itinatag ng
CPP) hanggang maagang bahagi ng 1980s umabot sa “$1.7 trillion of direct and
consequential investments” ang nawala sa Pilipinas dahil sa walang pakundangang
labor strikes, revolutionary taxations at pananabotahe ng mga teroristang
rebelde (Atrocities & Lies: The Untold Secrets of CPP, NADFFI).
Apektado man ang mga namumuhunan
(kapitalista) dahil sa mapanirang pangangatake ng mga terorista, hindi ito
lubusang makalumpo ng kanilang mga negosyo.
Ang mga malalaking negosyante ay pwedeng lumipat sa ibang bansa. Subalit ang ordinaryong mamamayan na umaasa
lamang ng income mula sa mga sahod na kanilang tinatanggap ay lalong napurnada
ang buhay dahil sa pagkawala ng kanilang mga trabaho. Resulta: mas dumami ang naghihirap at
kaakibat nitong mga suliraning panlipunan.
Ang “kahirapan” at mga
“suliraning panlipunan” namang ito ang siyang ginagamit ng mga militanteng
organisasyon (legal na mukha ng CPP-NPA-NDF) sa kanilang mga propaganda laban
sa Gobyerno. Isa itong vicious cycle na
kung hindi maunawaan ng lubos ay lubhang magpapaigting ng mga pampulitikang
bangayan, paghina ng ekonomiya at tuluyang pagdapa ng ating Republika.
HAMON SA AFP/PNP: Malinaw na itong “permit to campaign” (PTC) at
“permit to win” (PTW) ay isang pagyurak sa demokratikong proseso, isang
pagbale-wala sa rule of law at tahasang panginginsulto sa Konstitusyon ng
bansa.
Mainam at merong “focused
campaign for the 2016 elections” ang AFP/PNP (Defense News Daily) laban sa
extortion activities na ito! Pero ganito
na lang ba lagi tuwing election? Alam
naman natin na ayon sa batas ang pagbayad ng PTC at PTW sa mga rebelde “…can be
ground for disqualification and even imprisonment if proven true.”
Ang tanong: sa dinami-dami ng
mga impormasyon hinggil sa PTC at PTW collection na ito ng mga rebelde –MERON
BANG MGA KANDIDATO (NOONG NAKARAANG MGA ELECTION) ANG NAPATUNAYAN NA
BUMAYAD? Ayon sa mga report “daan-daang
milyong halaga ang nalikum” ng CPP-NPA-NDF mula sa eskema na ito. Tanong ko ulit: bakit hindi pinapangalanan ng AFP/PNP kung
sinu-sino itong mga kandidato na “bumayad” sa teroristang kilusan? Alanganin ba ang mga kinauukulan na
pangalanan ang mga ito sapagkat “malalaking isda” ang masasagasaan di katulad
ng pepityuging mga snatcher na bina-bandera agad sa media?
Berdugo man ang ibinansag kay
retired MGen Jovito S Palparan (kandidato ngayon para Senador) sang-ayon ako sa
kanyang sinabi na “…..ang batas ay batas at dapat ipatupad lalo na kung ito’y
may kinalaman sa pambansang seguridad”. Pakiwari
ko naman, balintuna sa nararapat ang sinabi noon ni Mayor Rodrigo Duterte na “….If
you pay to the BIR (Bureau of Internal Revenue), you prepare also for the NPA.”
(http://davaotoday.com 10/23/2013).
Sa isang banda: halimbawa, inihayag
ng AFP/PNP kung sino-sino ang mga bumayad ng PTC at PTW noong nakaraan at sa
hinaharap na 2016 elections –magkakaroon kaya ng desaysibong pagbabago ang
pag-iisip ng mga botante?
Kasaysayan na ang sasagot sa
huling katanungang ito. Tandaan natin,
ang isang aspirant for any elected position na nangangako ng resposableng
kapayaan at kaunlaran ay may mulat na paninindigang tumalima sa Saligang
Batas. Ang sinumang lalaro sa apoy
lamang makamtan ang personal na ambisyon ay susunog ng ating kinabukasan.###
very imformative.well research.GOOD INFO THANKS!Sakit.info
ReplyDelete