Naala-ala n’yo ba yong yugto na ikinakasa pa lamang ang kandidatura ni Noynoy Aquino para Pangulo? Iba’t-ibang mga grupo noon ang nananawagan ng pagbabago. Naging sandalan pa ang pagpanaw ni dating-Pangulong Cory Aquino para mabuo ang nagkakaisang pwersa laban sa pangkat ng Lakas-NUCD-KAMPI ng Administrasyong Arroyo.
Kanya-kanya sila sa pag-agaw ng pampublikong atensyon. Maniobrahan sa poll survey at mga opinyon, higit sa lahat pagandahan sa pormulasyon ng mga islogan para makahatak ng malawak na suporta.
Naging paborable sa oposisyon ang klema ng kampanya hanggang pumasok na sa 90 days official campaign period. Pumatok ang taktika na “this is a fight between good and evil”. Ang kampo ng pagbabago ay “good” at ang sinumang haharang ay kampon ng “evil”. Kinakailangang tahakin ang “tuwid na landas”.
Hindi kampo ni Noynoy ang nauna sa kampanyang “good and evil tactics”. Una itong ginamit ni George Bush para maipinta ang sarili “as the only moralist alternative with broad ethical personality to solve the crucial crisis plaguing the American people”. Pero natapos lang ang Administrasyong Bush, hindi naibsan bagkus mas tumindi ang economic crisis sa Estados Unidos. Ang patakarang “good versus evil” ay walang nagawa para magkaroon ng matatag na estabilidad sa Afghanistan at Iraq.
Dalubhasang sinakyan lamang ng kampo ni Bush (noong ito ay nangangampanya) ang “emosyon” ng mga Amerikanong sensitibo para sa pagbabago at manalo sa eleksyon. At ‘yan din ang nangyari dito sa ating bansa!
Parang tele-serye, pero taal sa kaugaliang Pilipino ang pagka-emosyunal. Kung ihalintulad sa isang piging –napanis ang inihain na “galling at talino”, “ibalik ang pwersa ng masa”, “sipag at tyaga” at mas nangulelat ang “pagbabago, ngayon na - batay sa pananampalataya”.
Sa masinop na kumbinasyon ng mga pulpito (ng Simbahang Katoliko) at media, tumimo sa emosyon at damdamin ng nakakarami ang panawagan para sa “tuwid na landas”. At kahit walang klarong direksyon kung saan susuong ang paglalakbay, nanalo si Noynoy Aquino bilang Pangulo ng Republika.
Poko-mas o menus walong buwan matapos ang May 10, 2010 national and local elections, umiba na naman ngayon ang pihit-ng-hangin. Muli ang target: emosyon at damdamin ng sambayanang Pilipino para makabuo ng malawak na pwersang pam-presyur upang maisaktuparan ang mga pangakong napaloob sa panawagang “tuwid na landas”.
Sabi ng isang Arsobisbo kay Pres. Noynoy, “…wag patakbuhin ang bansang ito sa pamamagitan ng Gabinete na parang Student Council”. Tumbok din ng mga pambabatikos ng tri-media ang mga personalidad na pumasok sa bagong Administrasyon, lalo na ‘yong mayayabang-na-tirador na sa maiksing panahon ay nagmamay-ari na ng mga magagarang sasakyan at sa mamahaling condominium na lumipat.
Sa isang tabloid minsan, tono ng kanilang headline na “playboy” ang Pangulo. At ngayon maanghang na pulutan ang pagbili ni P-Noy ng porche.
Ang nakikita ko dito ay isang sistematikong smokescreen. Sekondaryong mga usapin ang pinagkakaguluhan sa media. Mga paraan ito para hindi mapapansin ang unti-unting pagposisyon ng mga makakaliwang-pwersa sa loob ng Administrasyon at gobyerno.
Nakaligtaan na, ng mga kinauukulan ang batayang ugali ng mga komunistang-terorista. Ayon kay Lenin “use democracy to destroy democracy, join the government to destroy the government”. At ‘yan ang maniobra nila sa ngayon.
Resulta, maraming kaganapan na naging dehado ang gobyerno at lalong nagpa-igting ng mga pampulitikang bangayan.
Pinalaya ang “Morong 43” kahit ang mga ito ay kumpirmado ng military “na mga aktibong kasapi at kadre sa National Health Staff ng NPA”. Papasok sa peacetalk ang Administrasyong Aquino kahit na napatunayan na, batay sa 22 taon nang pakikipag-usap sa maoistang CPP-NPA-NDF na wala itong patutunguhan. Ayon kay Cong. Jun Alcover (ANAD Partylist) “…dehado ang gobyerno sa sitwasyong ito kasi binibigyan lamang ng pagkakataon ang CPP-NPA-NDF na makapag-konsolida ng kanilang hanay at malawak na entablado sa propaganda….” Nakapagtataka din na isang masugid na galling sa kaliwa ang ginawang political affairs adviser ng Pangulo.
Bahagi pa rin ba ito lahat ng “good and evil” tactics? Baka darating ang oras na paglalaruan na lamang tayo ng mga “evil” dahil ito ay “good” strategy!
1.23.2011
“GOOD VERSUS EVIL”: SAAN PATUTUNGO?
Labels:
CHR,
cpp-npa-ndf,
local government,
martial law,
media killings,
peacetalk,
politics
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
I suggest instead talks sa norway or netherland bat hindi sa Pilipinas, kung sincere sila dapat dito hindi sa ibang bansa, sayang lang ang pera ng bayan kawawa naman si juan, mas maganda localized peace talks na lang huwag na makipag-usap kila joma at jalandoni at yung AFP dapat ituloy ang mga development project sa mga identified areas ng CPP/NPA kaya lang ang problema binobomba ang mga buldozer at kagamitang infrastraktura ng AFP ayaw kasi ng CPP/NPA ron, any way basta importante manalo sa puso ng mga taga kanayunan at masa ang AFP. salamat po, inyong lingkod, Victor Caguimbal
ReplyDeleteisa po malugod na pagbati..isa lamang patunay na nag mga iniluloklok nang ating pangulo ang tao halos na siya ring tumulong sa kanyang kandidatura po.kaya halos ang mga maka komunista ay nasa loob na nang pamahalaan.na siya nag dudulot nang kaguluhan .isa na lamang patunay ang hayagang pagpapahitulot na mkalaya ang morong 43 at si jalandoni.isa lamang itong patunay na ating pangulo ay mulat sa pamamalakad nang mga komunista.ang nakakaawa lamang ang mga militar at kapulisan na halos ibuwis ang kanilang buhay para sa kapayapaan nang ating bayan sa kamay nang mga pasistang cpp/npa /ndf.hangang kaylan matutulog ang ating pangulo sa maling pamamaraan.sa mga masang pilipino sana tau ay huwag palilinlang sa mga prenteng legal kuno na naglilingkod para sa sambayanang pilipino.
ReplyDelete