1.30.2011
MALINAMNAM NA PANLILINLANG!
Kinondena ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pambobomba ng pampasaherong bus sa EDSA noong Enero 25, 2011. Sa naturang insidente limang (5) na ang namatay at 15 ang sugatan. With reference to Marco Balbuena sinabi ng CPP na “The NPA does not engage in such senseless acts of violence that cause death and injury to ordinary people….” (www.philippinerevolution.net, Jan 27, 2011)
Deklarasyong ala-Ponso Pilato. Nakakapang-akit na parang katotohanan!
Yan din ang awtomatikong tono ni Jose Ma. Sison (a.ka. Amado Guerero/Armando Liwanag) noong may sumabog na bomba sa rally ng Liberal Party (Agosto 21, 1971) sa Plaza Miranda. Mabilis nilang isiniwalat na ang pambobomba ay pakana ng Diktadurang Rehimen ni Marcos.
Sa ngayon, parang mga ibong loro at kalusasising naghihiyawan sa iba’t ibang nota ang makinarya ng maoistang CPP-NPA-NDF at mga legal na prenteng organisasyon nito upang ibunyag ang mga pagdududa na “…the bombing was carried out just a few days before the scheduled Strategic Dialogue between top security and defense officials of the Philippine and US governments. The bombing is now being portrayed as a confirmation of a recent US advisory about an imminent terrorist attack in the country…”
Ayon pa rin sa naturang Website ng CPP, “It is also curious that the bombing was carried out amidst some positive developments in the realm of peace negotiations between the Philippine government and the NDFP, which fascists and ultra-reactionaries have been trying to scuttle and saddle with difficulties. Preliminary consultations for the resumption of peace talks between the Philippine government and the MILF are also about to begin. These dark forces operating in the defense and security agencies have gone to great lengths to hinder progress in political negotiations and assert the primacy of the military in the counterrevolutionary war effort and in the so-called "maintenance of peace and order."
Naala-ala ko tuloy ang mga katagang laging binibitawan ni Bal Domingo, sa kanyang programa sa DZRB-Radyo ng Bayan, “…itong mga komunistang-terorista kung mananalita ay parang katabi nila ang mga nagplano sa kung anumang karahasan!”
Ang Plaza Miranda Bombing ay naging ‘kagagawan ni Diktadurya’ resulta ng masinop na propaganda ng mga komunistang-terorista. Sinamantala nila ang “mabaho na reputasyon” ni Marcos upang gatungan ang oposisyon na tumahak sa landas ng rebolusyonaryo at armadong pakikibaka para mabago ang sistema.
Ngunit pagkalipas ng ilang taon, lumabas ang katotohan. Ang nagpa-bomba ng Liberal Party Rally sa Plaza Miranda ay hindi si Marcos bagkus kauutusan ni Jose Ma. Sison “to create a quantum leap in the revolutionary situation” (Building a Better Nation by Jovito R. Salonga, page 65). Pinagtibay din ang rebelasyong ito ng mga dating kasapi ng CPP-NPA na bumalik-loob na sa Pamahalaan.
Ang kasinungalingan ay hindi pwedeng gawing pantabun upang lumabas na parang katotohanan ang isang mapanlinlang at demonyong adhikain! Naukit na sa mga pahina ng kasaysayan ng bansa ang pagkadalubhasa ng maoistang CPP-NPA-NDF sa paggamit ng dahas.
PEACETALK. Mula pa noong Administrasyong Cory Aquino walang humpay na kinakausap ng Pamahalaan itong mga komunistang-terorista. Seryoso ang Gobyerno na bigyan na ng tuldok ang insurgency para magkaroon ng kapayapaan at kaunlaran. Subalit, sa mahigit 22 taon nang patigil-tigil na negosasyon walang matinong nangyayari.
Ngayon naglalaway na naman ang maoistang CPP-NPA-NDF sa usaping ito sapagkat “friendly” sa kanila ang komposisyon ng Government Peace Panel. Ayon kay Cong. Jun Alcover (ng ANAD Partylist) “kaduda-duda ang mga personalidad nitong mga bumubuo ng ating panel dahil sa kanilang background galing sa kaliwang kilusan….”
Hindi pakay ng CPP-NPA-NDF na makamit ang “kapayapaan at kaunlaran”. Itinuturing nila ito na isang pagkakataon at instrumento upang medaling maagaw ang pampulitikang kapangyarihan. Ayon kay Luis Jalandoni, “..peacetalk is another form of legal struggle” na kinakailangang gamitin upang isulong ang rebolusyon.
Ano ngayon ang maasahan ng sambayan sa mga teroristang ito? Isa lang ang masisigurado ko, ang malinamnam na panlilinlang!
Labels:
Bayan Muna,
ceasefire,
communist deception,
CPP,
cpp-npa-ndf,
peacetalk
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
SADYANG HINDI PA RIN NATUTUTO ANG MGA TAO...NALILINLANG PA RIN...SANA AY MASUGPO NA ANG ILANG DEKADANG PAGAHASIK NG LAGIM NG MGA DEMONYONG ITO...
ReplyDelete