Usapang pangkapayaan. Peace talk. Mga katagang parang musika pangkaunlaran sa pandinig. Ngunit may pag-asa ba na makamtan ang tunay na kapayapaan tungo sa pagbangon nitong nabulid na sa kahirapan nating bansa sa pag-uusap ng Pamahalaan at CPP-NPA-NDF?
Noong inumpisahan ni Pangulong Cory Aquino ang pakipagdayalogo sa mga komunista bilang bahagi ng kanyang government of peace and reconciliation, tahasang ideneklara ni Luis Jalandoni (Chief Negotiator ng NDF) na ang “…peacetalk is another form of legal struggle that must be utilized to advance the national democratic revolution….”
Nagpalit ang ilang mga Administrasyon hanggang muling naluklok ang isang Aquino muli sa Malakanyang, ganun pa rin ang linyang sinusulong ng CPP-NPA-NDF. At mas kumplikado sapagkat “pumayag” ang mga negosyador ng gobyerno na makipag-usap sa mga komunistang rebelde kahit walang DDR!
Ayon sa United Nations (UN) batay sa karanasan ng mga bansang kasapi nito, ang D-D-R ay disarmament, demobilization at reintegration. Maging matagumpay lamang ang peace talks kung ang mga rebelde ay handang magbaba ng armas upang obhetibo na mapag-usapan ang mga rekisitos tungo sa kapayapaan. Kaagapay dito ang pagtigil ng mga pangangatake at sa tamang proseso at koordinasyon sa gobyerno ang paglatag ng tamang infrastructures upang responsableng makabalik sa mainstream ng lipunan ang mga insurektos.
Subalit, balintuna sa inaasahan - ang Government of the Philippines (GPH) panel sa pamumuno ni Atty. Alex Padilla ay pumayag na manatiling armado ang NPA habang nakikipag-usap! At para malusaw ang mga pambabatikos dahil merong patakaran na “no negotiations with the terrorists” nagawan nang paraan na opisyal nang matanggal ang katawagang terorista sa CPP-NPA-NDF.
Kahit pa man sa mga development na ito, wala pa ring humpay ang armadong pananalakay ng NPA: pag-ambush sa mga sundalo at pulis; pamamaslang sa mga CAFGU at sibilyan; pang-kidnap; pangongolekta ng revolutionary taxations at panununog ng mga taxi, truck at construction equipments sa mga hindi tumalima sa ekstorsyon ng mga rebelde.
Patuloy din ang pagsampa ng CPP-NPA-NDF sa Gobyerno ng mga demands na “palayain” ang mga kasamahan nilang “political prisoners” kahit ang mga ito ay may criminal na mga kaso sa korte. Ayon sa mga komunista, marami sa mga nakukulong na ito ang bahagi ng kanilang negotiating panel bilang consultants at nakalista di-umano sa listahang nakatago sa Netherlands.
Pero noong binuksan ang pinagmamalaking “listahan saved on a diskette” ang lumabas ay machine language and jargons na kahit sino man sa panel ng CPP-NPA-NDF ay walang makaunawa!
Mabilis namang nagpalusot ang mga komunista na “nagkalabu-labo” lang daw ang files kaya bigyan pa sila ng sapat na panahon upang ma-decipher ang laman ng diskette.
Nitong huli, mukhang nagulantang (kuno) mula sa panaginip-habang-gising ang GPH panel na niluluko lamang sila ng CPP-NPA-NDF. Maari daw maantala ang peacetalks dahil sa impossible demands ng mga komunista habang walang humpay sa paglunsad ng mga teroristang gawain.
HABANG inaantabayanan ang open pronouncements hinggil sa developments na ito, sumisingaw naman ang sinyales na may under the table na mga aregluhang nagaganap.
TOTOO BA NA NAKAHANDA NA ANG MGA ISKEMA SA PAGLATAG NG COALITION GOVERNMENT WITH THE CPP-NPA-NDF? Ayon sa mga “usok” may ilang mga elemento mula sa rightist organizations na kasabwat sa balaking ito. The most “un-holy alliance” ba? Gaano ka-totoo na labas-masok sa Palasyo ng Malakanyang ang dalawang kilalang ‘legal personalities’ ng mga komunistang-terorista?
Itong mga paghahabol sa mga korap na kumakulapol sa lahat na media outlets (kasama na dyan ang mga haw shao) ay decoy lang ba sa mas malagim na pakipag-kwalisyon sa mga komunista?
Ano man ang posibleng senaryong magaganap, dapat ang mamamayang nagmamahal para sa progresibo, responsible at organisadong demokrasya ay maging mapagmatyag upang hindi nila maisalaksak sa lalamunan ng republikang ito ang tsokolateng lipos ng kamandag!
9.24.2011
PEACETALK: TSOKOLATENG LIPOS NG KAMANDAG
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ilantad at tutulan ang anumang hakbang na magkaroon ng koalisyong gobyerno kasapi ang cpp/npa/ndf.mukhang nakubkob na ng mga pulahang elemento ang gobyerno at ngayon ay gusto nang maging legal ang ilegal na pagkubkob. hindi kailanman maitatama ang pagkakamali ng isa na namang pagkakamali! tunay na makamandag ang balaking ito
ReplyDeletedapat may armadong pwersa din ang mga pro-democratic advocates....masyadong tali ang kamay ng AFP/PNP laban sa teroristang NPA dahil sa maraming kaliwang elemento sa gobyerno!
ReplyDelete