Malaking pagkakamali ang mga patutsada ni Joel Maglungsod (Anakpawis) kanina sa Kongreso. Utal-utal na sinagot nito ang mga katanungan ni Cong. Cereles. Parang hindi alam ni Maglunsog ang kanyang mga sinasabi at halatadong may sinusunod lamang na script.
Mabilis namang sumakloloko si Satur Ocampo (Bayan Muna)sa pagpaliwanag na diumano may sistematikong represyon sa mga aktibistang ang tanging hangad ay pagbabago sa sistema ng bansa. Naging emosyunal ito sa pagtumbok na may malawakang kampanya para sirain ang kanilang hanay -kasama na dito ang pagbansag sa kanila bilang prenteng organisasyon ng CPP-NPA-NDF at lalong ikinagalit ni Ocampo ang pagtawag sa kanila na "pseudo partylist". Ang bahaging ito ay reaction ng Bayan Muna sa mga press releases ng ANAD Partylist.
Pagkatapos ni Ocampo tumayo si Rep. Jun Alcover ng ANAD Partylist. Ayon kay Alcover "...wag na tayong maglokohan pa! Malinaw na ang Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis at Kabataan ay mga prenteng organisasyon ng maoistang CPP-NPA-NDF. Mga pseudo partylist ito na ang tanging kinakatawan ay ang violent sector ng pinapangunahan ng komunistang kilusan..."
Tanong pa ni Alcover "kung hindi kayo at ang sabi n'yo ay mga progresibo't makabayan kayo BAKIT HINDI NINYO KAYANG KONDENAHIN ANG MGA KARAHASAN NG CPP-NPA-NDF? Ang sisihin ninyo kung bakit kayo bestado ay ang amo ninyong si Joma Sison!" Sa pontong ito binasa ni Alcover ang mensahe ni Joma Sison hinggil sa dalawang mukha ng pakikiba na pinamumunuan ng CPP -ang illegal (armado) at ang legal (parliamentaryo) na pinapangunahan ng Bayan, Bayan Muna, Gabriela, Anakpawis, Kadena, LFS, Kabataan, KMU, ACT at iba pang mga prenteng organisasyon.
Sa pontong ito ---simple lang ang dapat gawin ng tropa ni Ocampo, Maglungsod et al.
Kondenahin ang terorismo ng maoistang CPP-NPA-NDF! Pero alam naman nating hindi nila kayang gawin ito. Ang tanong BAKIT?
Simple lang rin ang sagot: ang mga nabanggit na mga organisasyon ay bahagi ng pambansang demokratikong prente (NDF) na ang tanging papel ay isulong ang legal at parliamentaryong pakikibaka bilang bahagi ng "protracted people's war" para agawin ang pampulitikang kapangyarihan upang maitatag ang "Kwalisyong Gobyerno" na matagal nang naidesensyo ng Maoistang Communist party of the Philippines.
5.28.2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ABANTE DEMOKRASYA
Blog Archive
-
▼
2009
(60)
-
▼
May
(6)
- Transfer of counter-insurgency campaign to DILG
- Mga Maoista sa Kongreso Nilamon ng sariling pakulo!
- Maoist Pseudo Partylist Reps must bare themselves ...
- Cong. Alcover supports Cebu Gov. Garcia’s filing o...
- PATULOY NA PANGINGIKIL NG NPA, PARA MAS PATINDIH...
- ALCOVER CALLS CONGRESS TO INVESTIGATE CONG. MAGLUN...
-
▼
May
(6)
No comments:
Post a Comment