5.19.2009

PATULOY NA PANGINGIKIL NG NPA, PARA MAS PATINDIHIN ANG KAHIRAPAN SA KANAYUNAN

Sa privileged speech (14 April 2009) ni Cong. Florencio C. Garay (2nd District, Agusan del Sur) lakas loob n’yang isiniwalat ang mga kabulastugang ginawa ng maoistang CPP-NPA sa kanilang nasasakupan.

Noong 8 Nobyembre 2008, sinulatan ng NPA si Cong. Garay na kinakailangang magbayad ito ng ‘revolutionary tax’ dahil ang poultry n’ya ay diumano “saklaw ng komunistang kilusan”. Ngunit, hindi ito pinansin ng kongresista. Sa isip n’ya isa lamang itong pangingikil at ayon sa batas, ang lehitimo lamang na Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ang may karapatang pumataw ng buwis.

Dahil hindi pinansin ni Cong. Garay ang pangingikil ng NPA, ni-ransacked at sinunog ng mga komunista ang poultry nito sa Bayan ng Tagbina, Surigao del Sur. Nitong Abril, muling nagpadala ng kalatas ang NPA na kung patuloy na magmamatigas at hindi magbayad si Cong. Garay –mas higit pa sa nangyari ang magaganap.

Itong kaganapan sa lugar ni Cong. Garay ay hindi isolated na kaso. Sa buong bansa, ang mga estrahehiko at maliliit na mga negosyo ay inuumangan ng dahas nitong mga armadong goons ng CPP para makapanghingi ng ‘revolutionary tax’.

Tinatayang umaabot sa 1 hanggang 2 porsyento ng taunang gross national product (GNP) ang nawawala resulta nitong maoistang insureksyon. Ayon sa pag-aaral ng National Security Council (NSC) nagpapakita na “….. the mind boggling amount resulting from poaching of our natural resources assumed at around P10 billion, another P1.113 billion from business opportunities (actual and consequential), and further P636 million to CPP-NPA-NDF wanton “revolutionary taxations”. (page 141 of the book – ATROCITIES & LIES: The Untold Secrets of the CPP).

No comments:

Post a Comment

ABANTE DEMOKRASYA