2.23.2011

TAMANG IMPORMASYON O TAMANG DELIHENSYA?

SA MATAGAL nang panahon kinikilala ang media na daluyan ng tamang impormasyon, bantay para kaayusan at tinig ng sambayanan. Walang pader na hindi guguho pag-media na ang kumalampag. Ang kapangyarihang ito, ang siyang naging batayan upang tawagin ang mga mamahayag na the fourth estate.

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng media sa daloy ng pagbabago at kaunlaran ng mga bansa. Nabuo ang malawakang anti-corruption and anti-authoritarian movements sa mga impormasyong isinisiwalat ng media. Afterall, kayang i-counter maneuver ang armadong pag-aaklas pero walang makaka-hadlang sa delubyo ng pagbabago gamit ang opinyon-publiko. Ayon sa Wikepedia, “The concept of the Fourth Estate (or fourth estate) is a societal or political force or institution whose influence is not consistently or officially recognized. It now most commonly refers to the news media; especially print journalism.”

Noong taong 2000 pilit napa-resign sa pwesto si President Jamil Mahuad Witt ng Ecuador. Sa Argentina napalayas si President Fernando de la Rua dahil sa malawakang pagbubunyag ng mga katiwalian na bumunga ng maigting na financial crisis noong 2001. Ganun din ang nangyari kay President Sanchez de Lozada ng Bolivia noong 2003 at President Carlos Mesa noong 2005.

Opinyon publiko rin ang bumuo ng pwersa ng pagbabago sa Thailand dahil sinalanta ito ng political crisis noong 2006, na humantong sa pag-layas sa pwesto ni Prime Minister Thaksin Shinawatra makalipas ang ilang buwan na demonstrasyon ng mamamayan at military coup.

Sa Pilipinas, tayong mga Pinoy ay kilalang “mahilig sa mga balita”. Sa mga pilyong isipan “tsismis”. Masdan n’yo na lang kung ano karami ang national broad sheet papers, tabloids, himpilan ng mga radyo, telebisyon at cable-tv channels. Meron pang mga provincial-base media outlets at isama na natin ang SMS or texting na napakabilis magkalat ng impormasyon (mahigit 60% ng ating populasyon ang gumagamit ng cellphones!).

Siempre, aminado tayo na sa pagpapalit-palit ng Administrasyon (mula sa pagbagsak ng rehimeng Marcos hanggang kay PGMA) hindi matatawaran ang naging papel ng media. May mga nagsasabi nga na “malaki ang naging papel ng texting” sa pagbagsak ng Administrasyong Erap. Katunayan, may mga political personalities na ngayon, na pumapasok sa media para sumikat at hindi na mahihirapan sa darating na electoral campaigns.

Ngunit may mga sitwasyong nangyayari na hindi maganda sa medyang pinoy.

Sa nakalipas na 42-taon, matagumpay na nagamit at nasabotahe ng maoistang CPP-NPA-NDF ang mass media sa Pilipinas. Pinalala pa ang sitwasyong ito mga opurtunistang pulitiko.

Gamit ang pormula ni Mao Tsetung na “in this war - propaganda plays a vital role, whoever wins the propaganda –wins the war!” epektibong nakapalawak ang maoist communist movement sa bansa. Take note: ang unang namumunong mga kasapi ng CPP Central Committee ay mga personalidad na galing sa mainstream media –Sison, Zumel, Ocampo et al.

Ang First Quarter Storm ang nagsilbing hudyat upang isulong ang Pangalawang Bugso ng maoist lead national democratic propaganda movement. Todong nalamutak ng mga komunista (gamit ang national democratic orientation) para mokontrol ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Mula noong 1970s napakarami na ang naging produkto ng samahang ito at signipikanteng bilang ang naka-pwesto sa mga pangunahing media outlets. Epektibong ‘nakatay’ sa opinyon publiko na bulok ang estado. Pinatunayan pa ito ng talagang mga korap at opurtunista na nakapasok sa gobyerno.
Ang protracted people’s war na pangunahing estratehiya ng CPP-NPA-NDF ay sobra pa sa epektibong sumabotahe ng ekonomiya ng bansa. Maagang bahagi ng 1970s, kinikilala na sana ang Pilipinas bilang “booming tiger economy of Asia” at kahalintulad na sana tayo ng bansang Japan.

Gamit ang Kilusang Mayo Uno (KMU) naorganisa ng komunistang kilusan ang mga estratehikong kumpanya at industriya. Ang NPA naman ay walang humpay sa paniningil ng revolutionary taxations kahit sa maliliit na mga negosyante. Ang mga power transmission towers at mga tulay na pinonduhan mula sa pangungutang ng Gobyerno ay pinapasabog ng mga teroristang-rebelde. Resulta, sa maagang bahagi ng 1980s tinatantya na mahigit P1.7 trilyon ang nawala sa ekonomiya ng bansa “in the form of direct and consequential investments”. Ang mga power transmission towers at mga tulay na pinonduhan mula sa pangungutang ng Gobyerno ay pinapasabog ng mga teroristang-rebelde. Inamin din ng National Security Council (NSC) na “halos 2% ng taunang Gross National Product” ang nawawala dahil sa pananabotahe ng CPP-NPA-NDF.
Ang social impact ng terorismo ay gutom, kawalan ng trabaho, under-employment at kaugnay pa na mga problema. Itong mga isyu mismo na ito, ang siya ring ginagamit ng mga legal front organizations ng CPP-NPA-NDF laban sa Gobyerno! At media ang pangunahing instrumento!

Ang mga media practitioners na nangahas sa pag-expose ng mga kabalbalan na ito ay walang awang pinagpapaslang ng NPA, gaya ng nangyari kina Jun Porras-Pala ng Davao City; Dr. Ric Nepumuceno ng Bicol; Rino Arcones at Eddie Swede ng DYFM-Bombo Radyo-Iloilo at marami pa.

Bihasa sa paggamit ng panlilinlang at dahas ang mga komunistang-terorista!

Kaya nga, halos hindi natin matutunghayan na pinag-uusapan sa media ang terorismo. Panay na lang negatibong atake laban sa gobyerno o dili kaya hubad na katawan ng mga babae at samu’t saring kriminalidad na headlines sa mga dyaryo.

May mga media practitioners naman na nakontento na lamang sa pag-delihensya gamit ang “press card”. Meron d’yang ginagamit ang pangalan ng kanyang kasamahan upang maningil ng “parating” mula sa jueteng operators pero sinasarili naman ang koleksyon. Meron namang ‘nagpapa-gamit’ na lamang sa pulitiko for survival!

Ang hindi nakikita: terorismo ang ugat ng lahat! Ang manindigan kontra sa mga demonyong ito, ay isang seryoso na hamon para sa malaya at progresibong bukas.

No comments:

Post a Comment

ABANTE DEMOKRASYA