Kumalat na parang virus sa lahat na media outlets ang usapin hinggil sa panununtok ni Mayor Inday Sara Duterte kay Shirriff Abe Andres. Pero pahapyaw lamang na nabibigyan ng pansin ang pangangatake ng mga teroristang CPP-NPA-NDF.
Pinasok ng mahigit 20 NPA ang Phelix Mining Company sa Sitio Vista Alegre, Brgy Nabulao, Sipalay City, Negros Occidental. Dinis-armahan ng mga rebelbe ang mga gwardiya, sinunog ang barracks kasama ang isang carrier truck. Ang dahilan: hindi nagbayad ng revolutionary tax ang naturang minahan sa mga komunistang-terorista!
Noong Hunyo 7, 2011 sa terminal ng bus sa Mati, Davao Oriental tinangkang agawin ng mga NPA ang M16 armalite rifle ni PO3 Alfredo Salva. Pero epektibong nakapanlaban ang nabanggit na pulis, isa sa mga suspect (alyas Bunso) ang namatay at ang isa pa ay nasugatan at kinilala ito na si Ariel Manuray. Inamin ni Manuray na sila ay mga kasapi ng NPA. Nasa ospital at pinapagamot pa nga mga otoridad hanggang ngayon ang naturang suspect.
Sa Bayan ng Pamplona, Negros Oriental anim na mga NPA ang nasawi at ilang mga sundalo ang sugatan sa magkakasunod na mga engkwentro. Samantalang sa Omar Hotel, Bacolod City nahuli ng mga militar si Marilyn Badayos isang high ranking officer ng CPP Southeast front sa Negros.
Sa Compostela Valley ang mga tauhan ng 3rd Special Forces Battallion na patungo sa pag-alalay sa mga empleyado ng DENR “to implement the total log ban in the area” inambus ng mga teoristang NPA. Dalawang sundalo ang nasawi at tatlong rebelde ang sugatan.
Marami pang mga indidente ang pwede nating banggitin, mga naganap sa North Cotobato, Agusan del Sur, Ilocus Sur at iba pang mga lugar.
Lahat ito ay mga patunay na patuloy pa ang sistematikong kampanya sa paghasik ng karahasan ng teroristang CPP-NPA-NDF. Dagdag din ito na patunay na ang pagpasok nila sa “peacetalk” ay isa lamang political ploy para isulong ang protracted people’s war sa panibagong yugto!
Noong ika-41 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines magarbong ideklara nang mga terorista na “in five years time its strength and influence will be already at par with the Armed Forces of the Philippines (AFP)”. Ito ang tinatawag nilang strategic stalemate – ito ang inaasahang baitang ng mga komunistang terorista kung saan malaya silang makiki-pag-enkwentro sa pwersa ng kasundaluhan at pulis saan mang larangan (sa gusto nilang oras at panahon). Inaasahan din nila, na sa yugtong ito meron nang malawak at nangingibabaw na impluwensya ang komunistang kilusan sa lahat na mga panlipunang usapin.
Nakakabahala ang sitwasyong ito!
Maraming usapin ngayon sa ating lipunan ang lumulutang na sa unang tingin ay mahalaga pero kung masusing pagmuni-munihan, ito ay bahagi lamang nang mas malalaking problema.
Ang kaso ni Mayor Inday Sara D ng Davao City ay dapat imbestigahan to the fullest! Pero huwag nating kaligtaan ang terorismong nanalasa sa lahat na panig ng ating lipunang Pilipino.
Maging mulat tayo sa katotohanan na marami nang mga komunista ang nakapasok sa Gobyerno. Their creeping invasion is a real threat!
Kumilos, habang hindi pa huli ang lahat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment