7.29.2011

SINTONADONG WANG-WANG


SAMU’T SARING mga reaksyon ang lumutang sa 53 minutos na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.

Kahit na midyo inantok din ako sa pakikinig habang nagsasalita si P-Noy sa pinagsanib na sesyon ng Kongreso, ilang beses ko pa rin itong pinanood sa Youtube. Ang tanging mabigat na marka ng kanyang SONA ay ang “wang-wang attitude”.

Alam naman natin lahat kung ano ang wang-wang. Malakas na sirena ng ambulansya, bombero, sasakyan ng pulis o awtoridad na pinapayagang gumamit nito.

Tuwing makakarinig ka ng wang-wang, ang nasa-isip mo agad ay merong emergency or sunog pero kalimitan lalo na kung galing sa patrol car ng pulis –may mayabang na dadaan! Hindi mo rin masisisi ang ordinaryong tao na mag-iisip nito dahil hanggang sa ngayon may mga tarantado pang mga pulis na kahit walang-sitwasyon gumagamit pa rin ng sirena lamang makalusot sa traffic para mabilis makakarating tungo sa pagkukunan ng delihensya!

AYON SA ilang mambabatas “the speech of P-Noy is only a repetition of his 2010 SONA.” Walang inilahad na kumprehensibong plano para sa kaunlaran ng bansa.

Tama na ang mga korapsyon ng nakaraang Administrasyon ni Gloria Arroyo ay dapat busisiin. Pero bakit tikum ang bibig ni P-Noy sa mga kabulastugang nangyayari ngayon sa Bureau of Customs na siyang ini-imbestigahan ng committee nila Congresswoman Mitos Magsaysay?

Wala ring sinabi si P-Noy hinggil sa talamak na illegal numbers game (jueteng) at illegal drugs. Bakit?

Ang masaklap, WALANG REPORT ang Pangulo kung ano na ang progreso ng pakikipag-usap ng Gobyerno at CPP-NPA-NDF at MILF/MNLF para makamtan na nang bansang ito ang kapayapaan.

May mga tinatakpan ba na usapin? Hindi ba ito nakikita ni Secretary Columa na ayon sa mga impormasyon siya ang gumawa ng final draft ng speech ni P-Noy?

Sa tingin ko may sintonadong ‘wang-wang’ na dapat pihitin.

Ayon sa United Nations (UN) at karanasan ng ibang mga bansa, ang isang peace negotiations ay maging successful lamang kung napaloob sa proseso ang mga ponto ng DDR –disarmament, demobilization and reintegration.

Sa kaso ng CPP-NPA-NDF walang disarmament. Mananatili ang kanilang mga armas at sa resumption ng sunod na yugto ng usapan sa Oslo, ang pag-uusapan agad ay ang the Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).

Batay sa mga dokumentong inihain ng mga komunista, ito ang mga gusto nilang mangyari: 1) vetoing foreign capitalist investments in the country; 2) enforcing prohibition against joint-ventures of transnational companies and local capitalists; 3) economic exclusivity or impeding export and import transactions; 4) free land distribution or “Genuine Agrarian Reform”; 5) prohibition against exclusive ownership; and, 6) limiting ownership of land and other State wealth among and between local citizens.

Alam n’yo ba kung ano ang stand ng Alexander A. Padilla, Chairperson ng Government Panel? Halos pag-sang-ayon sa kagustuhan ng mga rebelde!

Pinatunayan ito sa kanyang statement quoted on the January 20, 2011 issue of the Philippine Daily Inquirer sa kanyang plano na mag-“forge” ng partnership with the NDF in running the country. Nadulas lang kaya si Atty. Padilla? Mis-qouted? Or bahagi na ito ng plano para maitatag ang matagal nang pinaglalawayan na plano ng mga komunista na “coalition government”?

MARAMI ang nagsasabi na “blinded” or “napalambot” si P-Noy hinggil sa communist insurgents dahil sangkatutak na mga makakaliwa ang nakapwesto ngayon sa Malakanyang.

Nakakabahala ang sitwasyong ito. As if na, sinusubo na nang iilang mga kumag sa malansang bunganga ng mga terorista ang ating bansa. Paano uunlad ang Republika ng Pilipinas sa ganitong sitwasyon?

Wala bang umalingawngaw na wang-wang kontra sa reyalidad na ito?

No comments:

Post a Comment

ABANTE DEMOKRASYA