4.29.2009
LAHAT NA USAPIN GAGAMITIN PARA MADAYA ANG MAMAMAYAN
Ano kaya ang mga pagbabagong mangyayari sa Kongreso ngayong nadagdagan na ang mga Partylist representatives?
Kung pakikinggan ang barkadahan ng mga maoistang komunista sa Kongreso sa pangunguna ng Bayan Muna –ang karagdagang mga kinatawan sa Kongreso ay bahagi ng mga maniobra ng Malacanang para masigurado ang mga binabalak nitong adyenda.
Ibig sabihin ba nito, bahagi din ng mga plano ng Malacanang na dagdagan ang mga komunistang congressman dahil nadagdagan din naman ang Bayan Muna, Anakpawis at nakapasok ang Kabataan na hayag namang alam nating mga prente ito ng CPP-NPA-NDF?
Ang pag-protesta ngayon ng mga maoistang partylist (Bayan Muna, etc…) ay isang pagsamantala lamang sa mga ‘isyu’ laban kay Congressman Palparan (Bantay Partylist). Isa lamang itong pagpatindi ng mga usaping walang katibayan para maguyo ang opinion publiko pabor sa komunistang kilusan.
Malinaw din ito na palatandaan, na ang konsepto ng ‘demokrasyang binabandera’ ng mga komunista ay yaong ‘papabor’ lamang sa kanila at ang ilang personalidad o organisasyon na bumubulatlat ng mga katotohanang matagal-tagal ng tinatago ng mga komunista sa publiko –ay kanilang tutulan o dili kaya’y isailalim sa likidasyon ng NPA.
Pinatunayan na sa kasaysayan, hindi lang dito sa Pilipinas kungdi sa buong mundo na ang komunistang kilusan ay sadyang mapanlinlang at brutal sa kanilang kalaban.
Binabandera nila ang mga isyu ng human rights violations habang tinatago ang walang-patumanggang mga pagpatay ng NPA. Simula 1969 mahigit na sa 10,000 ‘mga kasama ang pinaslang ng kapwa mga kasama’ sa dahilan na ang mga biktima ay ‘suspek’ na ahente ng gobyerno. Subalit, sa dokumentong “Sobrang Kahibangan……” na pinalabas mismo ng Komiteng Tagapaganap ng Komite Sentral (KT-KS) ng CPP, inamin nila na “karamihan sa mga napaslang ay walang mga kasalanan……” Kaya tinawag ng KT-KS ang mga purging operations na sobrang kahibangan.
Marami pang mga sibilyan ang pinaslang ng CPP-NPA batay lamang sa walang kakwenta-kwentang mga kadahilanan. At sa mga ‘inosente’ ang tanging tugon ng CPP-NPA-NDF ay “SORRY NAPAGKAMALAN LAMANG SILA”.
Satur Ocampo, (et al): ITO BA ANG URI NG DEMOKRASYANG GUSTO NINYO IPATUPAD SA PILIPINAS? PAPATAYIN MUNA ANG SUSPEK BAGO IMBESTIGAHAN AT KUNG MAPATUNAYAN NA INOSENTE –“SORRY NA LANG PO”?
Ang pagdagdag ng mga partylist representatives sa kongreso ay malaking bagay para sa mga nagmamahal sa demokrasya.
Hintay lamang kayo ng tamang panahon! Hintayin ninyo na ang Alliance for Nationalism & Democracy (ANAD Partylist) na kinatawanan ni Congressman Jun Alcover ay maka-estabilisa na sa Kongreso. Hintayin ninyo na himayhimayin ni Cong. Alcover ang mga katotohanang pilit tinatago nitong mga komunista sa publiko.
Ang tanong: MANINDIGAN KAYA ANG MGA REGULAR MEMBERS NG CONGRESS –OPENLY KONTRA SA CPP-NPA-NDF AT MGA LEGAL FRONT NITO?
Anuman ang mangyari, ang mga tameme sa mga usapin kontra sa mga komunista ay dapat husgahan ng mamamayan. ORAS NA PARA MAGPAKITA TAYONG LAHAT NG TUNAY NA KULAY.
Sa PULAHAN ka ba o sa PUTI? Para ka ba sa madugong rebolusyon o sa makabuluhang kapayapaan na dudulot ng kaunlaran?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ABANTE DEMOKRASYA
Blog Archive
-
▼
2009
(60)
-
▼
April
(10)
- MARAMING SALAMAT: tuloy ang laban para pagtibayan ...
- LAHAT NA USAPIN GAGAMITIN PARA MADAYA ANG MAMAMAYAN
- WHO CONTROLS THE P1.6B FUND (and growing!) FROM CP...
- CPP-NPA-NDF FORMULA TO ESTABLISH “PEOPLES’ DEMOCRA...
- DAMBUHALANG KITA MULA SA EXTORTION: Revolutionary ...
- MGA BATAYANG USAPIN NA DAPAT MALAMAN NG MAMAMAYAN:...
- MGA BATAYANG USAPIN NA DAPAT MALAMAN NG MAMAMAYAN:...
- MGA BATAYANG USAPIN NA DAPAT MALAMAN NG MAMAMAYAN:...
- MGA BATAYANG USAPIN NA DAPAT MALAMAN NG MAMAMAYAN
- COMMUNISM NOW DOWN TO THE LOWEST IN THE PHILIPPINES
-
▼
April
(10)
No comments:
Post a Comment