Itinatag noong Marso 29, 1969 ang New People’s Army ng pangkat ni Bernabe Buscayno alyas Kumander Dante na humiwalay sa HMB o dating mga HUK. Sila’y sumanib sa CPP ni Sison.
Ang NPA ay ang pangunahing organisasyon ng CPP. Ito ang pangtapat sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP). Ang marahas na pag-agaw ng kapangyarihan ang saligang stratehiya ng CPP-NPA.
Tinitiyak ng CPP ang hawak nito sa NPA sa pamamagitan ng partido at komisyong military na nagpapasunod sa NPA sa anumang iutos ng CPP. Sa loob ng 40 na taon lumakas ang NPA at nakapwesto ito ngayon sa estratehikong mga lugar sa buong bansa. Pero kahit pa man, dumadanas ngayon ang organisasyon ng NPA ng maigting na bangayan o mga panloob na kontradiksyon dulot ng 'dambuhalang mga pagkakamali' --katulad ng walang habas na pamamaslang o purgings sa mga suspetsadong ahente ng gobyerno na nakapasok kuno sa hanay ng 'rebolusyonaryong' kilusan. Marami-rami na rin sa mga kadre ng kilusan ang namulat sa katotohanan, na ang kinagisnan nilang rebolusyonaryong organisasyon ay pangunahing destakamento na ngayon ng pangongotng o ekstorsyon.
Nilulunsad ng CPP-NPA ang estratehiyang kubkubin ang kalunsuran mula sa kanayunan sa pamamagitan ng matagalang digmaang bayan.
Ang mga gerilya ng NPA ay humahabilo at namumugad sa mga taong baryo na nagsisilbing panangga nila sa mga salakay ng AFP. Dinadamay nila ang mga bata upang humawak ng armas, maging kuryer o maniktik. Upang makalikom ng pondo, nagsasagaw sila ng krimen tulad ng Wakaoji kidnapping, hold-up sa mga banko at money changer, carnapping, pamemeke ng dolyar, iligal na logging, pagtatanim at pagtutulak ng marijuana na mula sa Mt. Province at iba pa. Inamin ito mismo ni Kintanar, ang dating hepe ng NPA na pinaslang din ng nasabing grupo nang kumalas na siya dito.

Totoo din na sinusuportahan ang NPA ng mga dayuhan. Nagpadala pa ang CPP ng delegasyon sa Tsina sa pamumuno nina Ibarra Tabionosa at Mario Miclat para ayusin ang padalang armas ng Tsina. Halimbawa nito’y ang MV Karagatan na nabisto at napigilan ng gubyerno nang ito’y dumaong sa Palawan, Isabela na karga ang mga armasnoong July 1972. Gayundin ang nangyari sa MV Dona Andrea II lumubog sa La Union noong 1974. Sa katunayan, maraming NPA ang ipinadala sa North Korea para magtreyning.
No comments:
Post a Comment