1.01.2010

BRUTAL NA KAHIBANGAN: 'sorry' nagkamali lang sa pagpaslang!

Noong Disyembre 13, 2009 sa pangunguna nina MANUEL FERNANDEZ alyas “Ka Bobo” at NOEL LEGAZPI alyas “Ka Jeffrey” Secretary ng maoistang CPP-NPA-NDF Guerilla Front 56 sa Far South Mindanao Region (GF56-FSMR) mga 30 armadong teroristang ang namataan sa Sityo Bantog sakup ng Barangay Telafas, Munisipalidad ng Columbo, Sultan Kudarat.

Pakay ng mga komunistang-terorista sa nabanggit na lugar na kausapin ang mga kamag-anakan ni SINDO AWING. Si Awing ay naparusahan kaya pinatay batay sa paghuhokom ng CPP-NPA-NDF “Kangaroo Court”.

Ngunit, sa imbestigasyon matapos paslangin si SINDO AWING -natuklasan na isang malaking pagkakamali ang pagpataw ng parusang kamatayan sapagkat walang kasalanan si Sindo Awing. Kaya't sumadya sa nabanggit na lugar sila Ka Bobo at Ka Jeffrey para "humingi ng despensa at kapatawaran sa kanilang pagkakamali".

Ang insidenteng ito ay hindi nag-iisang kaso! Sa buong bansa, libu-libo na ang walang awang pinagpapatay ng maoistang teroristang CPP-NPA-NDF. Sa mga komunista "ang suspetsado ay deklarado nang may-sala, maliban lamang kung mapatunayan itong inosente matapos masentensyahan!"

Sa mga pagkakamaling ito, mabilis ang mga komunistang-terorista sa paghingi ng "sorry sapagkat nagkamali ang rebolusyonaryong hukuman".

Kaya't matapos ang assessment sa pagpapatupad ng malawakang 'paglilinis' (purging operations) laban sa "mga ahente ng kaaway na nakapasok sa rebolusyonaryong kilusan" (Oplan Ahos, Oplan Kadena-de-Amor, Oplan Zombie, Oplan Tide Bar, Oplan Takip-Silim at marami pa)apuradong inilathala ng Komiteng Tagapaganap ng Komite Sentral (KT-KS) ng maoist CPP ang Memorandum na may pamagat "Sobarang Kahibangan.....!" Sa dokumentong ito tahasang inamin ng CPP-NPA-NDF "ang mga kalabisan sa pagpapahirap at pamamaslang sa mga suspetsado na karamihan dito ay mga inosente sa ipinaratang na mga kaso....."

"Sorry sa mga napatay," at dugtong pa ng nabanggit na dokumento "...pagpulutan natin ng aral ang mga pangyayari para lubos pang isulong ang digmaang bayan...."

Ganun lang ka simple ang pagkitil ng buhay sa mga komunista! Sorry lang ang katapat! Kaya, sa mahigit 10,000 na biktima ng purging operations --tapos na ang kaso sapagkat humingi na ng 'sorry' ang CPP-NPA-NDF!

Marami din sa mga pinagpapaslang ng maoistang CPP-NPA-NDF ay ipinagbunton na kagagawan ng AFP/PNP. Gamit ang kumplikadong eskema sa propaganda, nilulugaw din ng mga prenteng organisasyon ng mga komunista (katulad ng Karapatan, Bayan Muna, Gabriela, PCPR, LFS at iba pa) ang mga isyu. Maglulunsad ng mga rally/demostrasyon ang mga ito at manawagan ng "hustisya para sa mga biktima ng pasistang estado" --paulit-ulit nila itong gagawin sa malawak na entablado ng opinyon publiko kasabwat ang mga galamay ng komunistang organisasyon sa tri-media. Hanggang tumimo sa isipan ng publiko na "AFP-PNP talaga ang may kagagawan!"

Katulad sa kaso ni KAT-KAT RAMOS. Pinalabas ng mga prenteng organisasyon ng CPP na si Kat-kat ay kinidnap at sinalbeyds ng militar. Pero makalipas ang ilang panahon, nabuking ang kanilang kahibangan. Itinuro ng mga sumurender na NPA ang pinaglibingan ni Kat-kat matapos ito patayin ng mga berdugong komunista. Pinaslang ang biktima sapagkat pinagdudahan itong "depenetration agent dahil ang ama ay kasapi ng militar".

Katulad ng sinapit ng libu-libong biktima ng berdugong CPP-NPA-NDF, marami pang mga SINDO AWING at mga KAT-KAT RAMOS ang kanilang ibabaon batay sa kahibangan ng idolohiyang walang diyos at walang pagtalima sa dignidad ng tao!

Kung hindi tayo kikilos laban sa maoistang teroristang CPP-NPA-NDF at mga prenteng organisasyon nito, maaaring kamag-anak o kayo na mismo ang susunod na biktima!

-------
sundan ang mga links na ito:
http://www.youtube.com/watch?v=hla2lLthroM
http://www.youtube.com/watch?v=-P1dp95xlC4&feature=related

2 comments:

  1. maganda at napakagaling itong pagbubunyag na ginawa dito. ang ibig sabihin nito'y isang malaking lambat ang pinakawalan ng mga maoistang terrorista upang makamtan, at all cost, ang kanilang minimithing pagsakop sa Inang Bayan at pamahalaan dito. walang silbi ang KARAPATAN, SELDA, at iba pang mga gropong mapagkunwar gaya ng bayan. dapat ang tamang sagot dito ay ang pagkakaisa ng sambayanang pilipino laban sa oportunista at kahayupan ng mga komunistang terrorista CPP-NPA-NDF!

    ReplyDelete
  2. President NOYNOY Aquino ginugoyo ka lang ni luis jalandoni, dito sa aming lugar, nagkalat ang mga teroristang NPA, extortion at revolutionary tax ang hinihingi, sinasamantala nila ang ceasefire agreement, masyado kang malambot sa kanila, di mo alam ini-iputan ka sa ulo... magdeclare kana ng all out war sa NPA ana mga yan,,,, TANGA Ka kung pagogogoyo ka sa mga lintik na yan, mga hunyango ang mga yan... di mo alam isang araw tatarakan ka sa likod... GOOD JOB ANAD...

    ReplyDelete

ABANTE DEMOKRASYA