6.19.2009
DIGOS MASAKER: 20 anyos nang naghihintay ng katarungan
Masagwa man sanang tingnan, pero ang mga larawang inilathala dito ang s’yang aktwal na resulta ng walang awang pamamaslang ng mga NPA. Nangyari ito noong Hunyo 25, 1989. Tatlumpu't siyam (39) kasapi ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) ang mga nabiktima.
Ito ang istorya.
Naganap ang insedente sa maaliwalas na baybaying munisipalidad ng Digos, Davao del Sur. Kakahulagpos lamang ng buong CPP-NPA-NDF sa malagim na epekto ng kanilang ‘panloob-na-paglilinis’ o purging operations na kung saan maraming mga “kasama ang pinagpapatay ng kapwa mga kasama” sa hinalang ang mga ito’y deep penetration agents ng Gobyerno.
Isang pangkat ng 18 kasapi ng mga NPA ang nagpapatrulya sa halos nababalot ng usok (dahil sa fogs) na kagubatan sa pamumuno ni Ka Maya. Nanunoot sa balat ang lamig. Ngunit bigla silang nakaramdam na parang may isa pang grupong armado sa di kalayuan. Pumwesto ang tropa at nag-abang.
Maya-maya, merong ngang pulutong ng mga armadong dumaan at hindi nila mamumukhaan sapagkat balot ng fogs ang kapaligiran. Sa mandu ni Ka Maya –pinaulanan nila ito ng bala. Pagkatapos ng putukan, 17 sa target ang patay. At ang malaking disgrasya –mga kasama din nila itong NPA!
Balisa’t hindi alam ni Ka Maya kung ano ang gagawin. Batid n’ya na malapit lamang sa kanila ay may isa pang grupo ng mga NPA na kumikilos sa pamumuno ni Ka Lolong.
Nataranta si Ka Maya at tumakbo na ito para tumakas lamang mailigtas ang sarili. Umaabot siya sa isang maliit na kapilya ng UCCP. Sa isip n’ya, ligtas s’ya dito kung makipaghalo sa mga mananampalataya.
Nakaresponde agad sa pinangyarihan ng ‘engkwentro’ ang pulutong ni Ka Lolong. Dangan nga’t kabisado nila ang mga pasikot-sikot ng lugar, madali nilang nasundan ang pinaroroonan ni Ka Maya.
Pagbungad sa simbahan, na kung saan may nagaganap na pagsasamba - agad itinanong ng mga NPA kung nasaan na si Ka Maya. Ngunit tumahimik lamang ang mga tao sa loob ng simbahan. Umaalimpuyos naman sa galit si Ka Lolong kahit na ang karamihan sa loob ng simbahan ay mga kamag-anak pa niya mismo.
Habang pinagmuni-munihan ni Ka Lolong kung ano ang nararapat gawin, bigla na lamang pinaulanan ng bala ng kanyang mga kasama ang mga tao sa loob ng simbahan.
At nangyari ang malagim na trahedya. 39 ang patay –babae, lalake, bata at matanda –lahat namatay ng walang kalaban-laban sa bangis ng mga punglo ng NPA!
Sa patakaran ng NPA – kung may napatay kang kasama, buhay mo ang kabayaran at ganun din sa mga sibilyan na kumukupkop ng kaaway ng kilusan.
Ito ang istorya ng Digos, Masaker.
Ang kasong ito ay ipinaabot sa NDF pero wala ding nagyari hanggang ngayon. Ayon kay Satur Ocampo, ng Bayan Muna –isa na itong saradong kaso! Wala ding ginawa ang CHR.
Sa paggunita ng ika-20 anyos na anibersaryo nitong karumal-dumal na krimen – makakamtan pa kaya ng mga pamilya ng biktima ang hustisya?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ABANTE DEMOKRASYA
Blog Archive
-
▼
2009
(60)
-
▼
June
(11)
- Digos massacre should be an engine for peace, say...
- ORDER OF BATTLE ISSUE
- DIGOS MASAKER: 20 anyos nang naghihintay ng kataru...
- Press Statement of Samahan Ng Mga Biktima Ng Komun...
- Laak Bantay Bayan, a unified effort of LGU, DILG, ...
- Addendum to the continuing atrocities of Maoist CP...
- Maoist way of celebrating Philippine Independence:...
- HR1109 should be viewed in a wider context and not...
- Bukas na Liham ni Lerma "Ka Liway" Bulaklak
- The UNSEEN PLAN of the Puppets of MAO
- ANAD denounce the murder of Pitao’s sister
-
▼
June
(11)
SARADONG KASO?! KALOKOHAN!
ReplyDeletenakakasad nmn ung story ngayon k lng nlamn ung tungkol sa masacare n ito
ReplyDeleteKwwa mga taong wlng alm sa alitan ng grupo nl.
ReplyDelete